Tuesday, September 16, 2008


TERRORISM



. . . . . . TERRORISM HAS ALTERED THE SOCIAL, ECONOMIC AND POLITICAL LANDSCAPES OF THE WORLD.

















The 9/11 attacks in 2001



superperry 14 bombing


Monday, September 15, 2008

DESPERADO


MILF DESPERADO NA

Rindido na ang Grupo nina USTAZ AMERIL UMBRAKATO @ Kumander Kato at ABDULRAHMAN MACAPAAR @ Kumander Bravo sa palaki ng palaking bilang ng mga nasasawi sa hanay ng kanilang mga tauhan sa sagupaan laban sa mga militar ng pamahalaan.

Tuliro, hindi na malaman kung saan susuling ang mga halos nasukol ng mga rebeldeng terorista. Bahag ang buntot, sa tindi ng pagkakataranta, mga inosenteng mamamayan ang napagbabalingan ng mga tumatakbong patakas na grupo nina Kumander Kato at Kumander Bravo.

Halos malagas na ang mga naturang grupo sa mga sunod-sunod na pag-atake ng mga militar. Marami ng kuta nila ang nakukubkob, napakarami ng namamatay at sugatan, at halos wala ng makain ang mga tumatakas na mga terorista. Sa pinakahuling kaganapan, nasa 156 na ang konpirmadong patay nilang mga tauhan. 3 sub-kumander ni Kato ang kabilang sa mga nasawi at 2 rin sub-kumander nito ang nahuli sa labanan.

Sa walang puknat na pagkaripas at tindi ng takot at demoralisasyon nitong grupo nina Kato at Bravo, pinagsusunog ng mga ito ang mga bahay na nadadaanan at pinagpapapatay nito ang mga inosente’t pobreng mamamayan. Saksi sa mga naturang insidente ang mga local na mamamahayag na sumasama sa pagtugis sa mga natataranta ng mga rebeldeng terorista.

Lahat ay nasasaksihan ng bayan, anila, TALO NA . . . DESPERADO NA. Ngunit nagkukunyari pa ring nagwawagi sa pagkakagupiling ang mga tila basang sisiw na mga rebelde kaya’t sa kanilang walang humpay na pagtakas, walang humpay na propaganda rin ang ginagawa ng MILF Central Command. Ibinubunton sa militar at pamahalaan ang lahat ng bintang. Kanilang pinagbabaliktad lahat ng katotohanan: mula sa pagsusunog ng mga kabahayan; pagpatay sa mga inosenteng mamamayan at iba pa nilang mga paglabag sa mga karapatang pantao ng mga kaawa-awang mamamayan, ng sa gayo’y maka-ani sila ng suporta mula sa mga bansang muslim at para kumbinsihin ang pamahalaan na pahintuin ang opensibang militar para malubayan ang kasalukuyang nasusukol nilang mga tauhan at ito’y makaalpas sa tiyak ng pagkagupo.

MGA KUBARDE, ANI SALBAKOTA!

KATO AT BRAVO,
‘DI ALAM KUNG SAAN SUSUONG. . . . . . .
DI ALAM ANG GAGAWIN . . . . . . . .


SALIGANG BAYAN KONTRA TERORISTA (SALBAKOTA)